Tinanggap ni Mayor Admiral Art Abu ang ₱1,000.00 Peso Challenge, kung saan siya mismo ang namalengke at pinagkasya ang nasabing buget para sa dalawang araw na pagkain ng isang pamilya na binubuo ng 5–6 na miyembro. Naging masaya ang ating Punong Bayan na masaksihan na mura at sariwa ang mga paninda sa Pamilihang Bayan ng Malvar.
Ayon din sa Provincial Veterinary Office (ProVet), ang ahensyang nangangalaga sa kaayusan ng livestock at poultry industry ng Batangas, ang Bayan ng Malvar ay kabilang sa may pinakamalinis na pamilihang bayan sa Lalawigan ng Batangas.
Aktibong sinususugan ng Malvar Culture and Tourism Office ang pinagtibay na Ordinansa upang ang araw ng Sabado ay gawing “Market Day sa Municipalidad ng Malvar,” isang paraan upang maisakatuparan ang 10 Point Agenda kung saan ang Kabuhayan ay Pagyayamanin sa pamamagitan ng pagtataguyod sa lokal na produkto sa Bayan ng Malvar.
Hinihikayat ni Mayor Abu at Market Administrator na si Mr. Gerard Malabanan, ang ating mga kababayan upang tangkilikin ang Pamilihang Bayan ng Malvar at patuloy na pagsuporta sa mga produktong sariling atin.
#MayorAdmiralArtAbu
#KabuhayanPagyayamanin
#MatatagNaPamahalaanAtMaginhawangMamamayan
0 Comments