Malugod na tinanggap ng Pamahalaang Bayan ng Malvar, sa pangunguna ni Mayor Admiral Art Abu, ang pagbisita ni ARTA Regional Chief for Southern Luzon na si G. Karl Joseph Sanmocte kasama ang kanyang staff sa ARTA.
Nagkaroon ng Courtesy Visit sa opisina ni Mayor Admiral Art, Entrance Conference, actual inspection sa mga opisina, records checking, then Exit Briefing.
Sa nasabing pagtitipon, ibinahagi ni Mayor Admiral Art ang kanyang adbokasiya tungo sa “Matatag na Pamahalaan at Maginhawang Mamamayan,” bilang gabay sa patuloy na pagpapahusay ng mga serbisyo publiko sa bayan.
Ang ARTA (Anti-Red Tape Authority) ay may kapangyarihan sa ilalim ng RA 11032 (Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act) upang tiyakin na ang lahat ng ahensya ng gobyerno (kasama ang LGUs) ay mabilis, maayos, at walang red tape.
#MatatagNaPamahalaanTungoSaMaginhawangMamamayan
#MayorAdmiralArtAbu
0 Comments