PAMPUBLIKONG PAMILIHANG BAYAN NG MALVAR: ATING SUPORTAHAN, ATING PAGYAMANIN!






Ayon na nakalipas na pagsusuri ng ProVet ay patuloy na kinikilala ang Bayan ng Malvar na mayroong maayos, malinis, at abot-kayang pampublikong pamilihang bayan.
Ipinapakita nito ang epektibong pamamahala at aktibong partisipasyon ng mga namamahala at mamimili.
Ngayong umaga, inilahad ng Market Administrator, Municipal Tourism Officer, at Head ng GSO ang isang panukalang programa na naglalayong higit pang palakasin ang suporta ng Lokal na Pamahalaang Bayan sa pagpapaunlad ng Pampublikong Pamilihan. Nakapaloob  ito sa Ten-Point Agenda ng ating Punong Bayan Mayor Admiral Art Abu, ang “Kabuhayan–Pagyayamanin.”
Alinsunod din ito sa  panukalang ordinansa ng Culture and Tourism na italaga ang araw ng Sabado bilang “Market Day in the Municipality of Malvar,” bilang hakbang sa pagtataguyod ng lokal na produkto at kabuhayan ng mamamayan.
#KabuhayanPagyayamanin
#MayorAdmiralArtAbu
#ParaSaMatatagNaPamahalaanAtMaginhawangMamamayan

Post a Comment

0 Comments