Bilang resulta ng isinagawang Aerial Survey ni Mayor Admiral Art Abu sa Bayan ng Malvar sa pamamagitan ni Mr Saturnino G Belen, natuklasan ang isang lugar sa tabi ng ilog sa Brgy San Juan na ginagawang tambakan ng basura.
Ito ay ipinagbigay sa alam sa pamunuan ni Kapitan Randy Torres kung saan ay agaran naman tumugon kasama ang kanyang mga Brgy Functionaries.
Binisita ni Mayor Admiral Art ang kanilang gingawang paglilinis ng lugar at pinsalamatan ang bawat isang nakibahagi, lalo’y higit ang mahusay na pamumuno ni Kapitan Randy!
#TenPointAgenda
#KapaligiranIingatan
#KalinisanTitiyakin
0 Comments