Dumalo si Mayor Admiral Art Abu kasama sina Vice Mayor Emiliano Lat at DILG MLGOO Ms. Jane Erasmus Marie P. Matija-Acain sa isinagawang Capacity Building Seminar para sa mga kasapi ng People’s Law Enforcement Board (PLEB) na ginanap sa Holiday Inn Suites ngayong Pebrero 5, 2026. Naging pangunahing Guest Lecturer ang mga pinuno ng NAPOLCOM mulas sa Region 4, ganon din sa Lalawigan ng Laguna at Batangas. Bahagi ito ng patuloy na adhikain ng LGU Malvar na mapalakas ang kaalaman, kakayahan, at kahusayan sa paglilingkod sa bayan ng Malvar tungo sa pagsasakatuparan ng isa sa 10 Point Agenda na ang Karapatan ng Mamamayan ay Igagalang.
Marito ang bahagi ng mensahe ni Mayor Admiral Abu:
Ang PLEB ay may kapangyarihan upang duminig at mag-imbestiga ng reklamo laban sa mga pulis kaugnay ng Abuse of Authority, Oppression, Negect of Duty, Irregularities sa Pagganap ng Kanilang Tungkulin. Maari din itong mag-conduct ng Summary Hearing at Magpataw ng administrative sanctions, tulad ng Reprimand, Suspension Recommendation for Dismissal (depende sa bigat ng kaso) at mag-rekomenda ng aksyon sa mas mataas na PNP disciplinary authorities kung kinakailangan".
"Ang lahat ng ito ay alinsunod sa Republic Act No. 6975 (DILG Act of 1990), na pinalakas pa ng RA 8551", ayon kay Mayor Art Abu.
#KarapatanIgagalang
#MatatagNaPamahalaanMaginhawangMamamayan
#MayorAdmiralArtAbu
0 Comments