Career Expo: Frontiers 2026






Ngayong araw ay nagbigay ng inspirational message si Mayor Admiral Art Abu sa ginanap na Career Expo: Frontiers 2026 na may temang “Today’s Outfit, Tomorrow’s Career” para sa mga mag-aaral ng Luta Sur National High School.

Aniya: “Success is not for everyone. Success is only meant for those who are determined to succeed.” Binigyang-diin niya na ang tagumpay ay hindi basta ibinibigay-  dahil ito ay pinaghahandaan, pinaghihirapan, at ipinaglalaban. Hinikayat niya ang mga mag-aaral na maging determinado sa kanilang pangarap, magsikap na makatapos ng pag-aaral, at huwag sumuko sa kabila ng kahit anumang pagsubok sa landas na kanilang tatahakin.

#TenPointAgenda

#KabataanGagabayan

#MayorAdmiralArtAbu


Post a Comment

0 Comments