CRVS Outlet Caravan at PhilSys Booth


Sa pagdiriwang ng ika-36 na Civil Registration Month, matagumpay na isinagawa sa Munisipyo ng Malvar ang CRVS Outlet Caravan at PhilSys Booth na naglalayong mailapit sa mamamayan ang mahahalagang serbisyo ng pamahalaan.

Ang nasabing inisyatiba ay nagbibigay-daan sa mas mabilis na pagproseso ng mga dokumentong sibil at pagpaparehistro sa Philippine Identification System, na mahalaga sa pagkakaroon ng maayos na pagkakakilanlan at akses sa mga serbisyong panlipunan. Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Malvar sanpangunguna ni Mayor Admiral Art Abu ang mga programang nagbibigay halaga sa civil registration para sa isang mas organisado at maunlad na komunidad.

#36thCivilRegistrationMonth

#MatatagNaPamahalaanMaginhawangMamamayan 

#MayorAdmiralArtAbu


Post a Comment

0 Comments