First Quarter Full Council Meeting



Isinagawa ang First Quarter Full Council Meeting ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) sa pangunguna ni Mayor Admiral Art Abu bilang Tagapangulo ng Konseho. Tinalakay sa pagpupulong ang mga ulat at kahandaan ng bawat tanggapan kaugnay ng disaster preparedness, response, at mitigation.
Bahagi rin ng agenda ang paghahanda para sa nakatakdang MDRRMC Capability Exercise sa ika-2 ng Marso 2026, na layuning subukin at paigtingin ang koordinasyon, kahandaan at kakayahan ng iba’t ibang ahensya sa pagtugon sa mga posibleng sakuna at kalamidad.
Binigyang-diin ng Punong Bayan ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos at maagap na paghahanda upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan ng Malvar.
#SeguridadAtKaligtasanPaiigntingin 
#MatatagNaPamahalaanMaginhawangMamamayan 
#MayorAdmiralArtAbu

Post a Comment

0 Comments