Isinagawa ang isang makabuluhan at masiglang Seremonya ng Pagtataas ng Watawat na pinangunahan ni Mayor Admiral Art Abu, kasama si Vice Mayor Emil Lat at ang mga kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Bayan, ABC President, mga Punong Barangay ng Malvar, kinatawan ng PNP at BFP, mga school heads ng Malvar, gayundin ang mga Department Heads at kawani ng Pamahalaang Bayan ng Malvar. Ang naturang pagtitipon ay nagsilbing patunay ng pagkakaisa at sama-samang adhikain ng iba’t ibang sektor tungo sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan.
Bilang bahagi ng programa, iginawad ang mga Sertipiko ng Pagkilala sa mga mag-aaral ng Malvar Senior High School na nagbigay karangalan sa bayan sa iba’t ibang kompetisyon. Sa FAITH ASTRA Battle (Pebrero 7, 2026) – ExCITE Seminar Series and Figma Design Competition, itinanghal na Kampeon sina Alexis Delos Santos, Eisenheim Apostol, at Wilhelm Maloles sa ilalim ng paggabay ni Coach Jomel Rosita.
Sa Ad Astra First Asia – Start Young to Innovate (SY2INV8), nagkamit ng Kampeonato sina Mark Ivan L. Reyes, Carl Justin N. Serut, at Princess Kyna Sabeli sa patnubay ni Coach Joan V. Acielo. Samantala, sa La Salle Educators’ Circle Quiz Bee – Tagisang Ala-EhDUK Year 3 (Pebrero 14, 2026), nagwagi bilang Kampeon sina Renz Carl Gianan, Alyssa Moncayo, at Reyhan Yasmine Remo sa pangunguna ni Coach Imelda Silva at Assistant Coach Ms. Shiela Caya.
Ang kanilang tagumpay ay sumasalamin sa husay, sipag, at determinasyon ng kabataang Malvarenyo. Patuloy ang suporta ng Pamahalaang Bayan ng Malvar sa mga programang nagtataguyod ng kahusayan sa edukasyon at nagbibigay inspirasyon sa susunod na henerasyon.
#EdukasyonPapahalagahan
#KabataanGagabayan
#MatatagNaPamahalaanMaginhawangMamamayan
#MayorAdmiralArtAbu
0 Comments